Ang pag-ibig na hinog sa pilit, kadalsan ang namumunga ng mapait. Hindi mo kailangan pilitin ang isang tao. Matutong respetohin ang desisyon ng iba, bago mag-hangad na respetohin din ang iyong desisyon.
Kahit kalian ay wala kang matatagpuang perpektong pag-ibig. Ang tunay na pag-ibig ay hindi tulad ng napapanood sa sine na mahigit kumulang na dalawang oras lang. 24/7 ang pag-ibig. Hindi maiiwasan na minsan ay merong alitan. Kasama ito sa relasyon. Ito ay natural. Ang importante ay mapagusapan ng mabuti upang ma-resolba ang problema.