Bahagi ng panitikang Pilipino ang mga salawikain. Binubuo ito ng mga salitang matatalinhaga at mapalamuti. Ito rin ay maaaring binubuo ng mga idyoma. Ang bawat kasabihan ay may nakatagong kahulugan. Ang mga salawikain ay binubuo ng mga taludtod, mayroong mga sinulat na magkakatugma at mayroon namang hindi. Ito ay na-aayon sa opinion at saloobin ng indibidwal na gumawa o sumulat nito.
Nag-iiwan ito ng aral at pilosopiya sa bawat magbabasa. Ang mga ibang kasabihan ay naging bahagi na ng ating kulturang pangwika, lalo na yong mga sinulat at binigkas ng mga dakila nating mga bayani at mga batikang manunulat. Marami sa mga ito ay karaniwan na nating nababasa sa mga aklat at ginagamit bilang pampakulay sa mga pananalita. Mahalaga ang salawikain sa buhay ng isang Pilipino.
Salawikain Tungkol sa Buhay
Talaan ng mga Nilalaman
Ngipin sa ngipin
Mata sa mata
Kahulugan: ito ay hustisya, kapag gumawa ka ng masama, ang kaparusahan ay naaangkop sa iyong krimen.
Kung ano ang hindi mo gusto,
Huwag gawin sa iba
Kung ano ang iyong inutang
Ay siya ring kabayaran
Kahulugan: kung gusto mo na respetuhin at maging mabuti sa iyo ang mga tao, mauna ka na magpakita ng respeto at magandang asal at tiyak na susuklian din nila ito ng mabuting intensyon.
Ang batang palalo at di napapalo
Pag lumaki ang kahalubilo
Sa mundo ng magugulo
Kahulugan: kapag hindi marunong mag-disiplina ang magulang sa kanilang anak, lalaki itong barumbado.
Mansiyon man ang bahay mo
Asal ka namang hunyango
Mabuti pa ang bahay mo ay kawayan
Kung maasahan ka sa lahat ng bayanihan
Kahulugan: hindi dapat hinahayaan ng tao na mabago ng pera ang kanyang ugali. Mahirap man o mayaman, dapat matutong magpakumbaba.
Aanhin pa ang damo
Kung patay na ang kabayo
Kahulugan: pwede itong ihambing sa kalikasan, araw-araw, libo-libung puno ang pinuputol para panggawa ng bahay, darating ang araw na makakalbo na ang mga bundok dahil dito. At kapag bumagyo at gumuho ang lupa galing sa bundok, wala ng mga puno para pigilan ang pagbagsak nito sa mga bahay na malapit.
Ang tumatakbo ng matulin
Pag masusugat ay malalim
Kahulugan: matutong pagisipan at intindihin ang kalalabasan ng iyong desisyon.
Kapag binato ka ng bato
Batuhin mo ng tinapay
Kahulugan: huwag mong sabayan ang galit ng iyong mga kaaway
Ang taong tahimik
Kapag nag-isip ay malalim
Ang taong mabunganga
Walang kuwenta ang salita
Kahulugan: hindi dahil tahimik ang isang tao ay wala na siyang alam. Merong mga tao na pinipili muna nila ang kanilang sinasabi, dahil alam nila na hindi nasusukat ang talino sa dami ng salita na lumalabas sa bibig.
Walang matigas na tinapay
Sa mainit na kape
Kahulugan: walang batang siga sa nanay na may pamalo hahaha!
Daig ng taong maagap
Ang taong masipag
Kahulugan: ang mga taong gumagawa ng aksyon ang palaging nagtatagumpay.
Salawikain Tungkol sa Edukasyon
Ang aral ay nakakalimutan sa gitna ng kalituhan
Ngunit ang natural na asal ay hinding-hindi mapag-iiwanan
Kahulugan: matutong intindihin sa iyong puso ang mga pinag-aaralan. Huwag mag-aral para lang sa pag-susulit, hindi nagtatagal ang ganitong kaalaman. Intindihin at damdamin ang binabasa para habang-buhay mo itong magamit.
Mas delikado
ang taong edukado
Kahulugan: ang taong may pinagaralan kapag ginamit ito sa kabutihan ay pakinabang ng sanlibutan, ngunit kapag ito ay ginamit para sa masamang bagay, marami ang mapapahamak.
Sa mga kabataan
Edukasyon ang gawing daan
At maging inyong sangkalan
Sa anumang uri ng laban
Kahulugan: lahat ng bagay sa buhay mo ay pwedeng mawala o nakawin, ngunit ang edukasyon ay hindi.
Ang buhay ay mahirap
Kung hindi ka maagap
Mag-aral ka at magsumikap
Para sa magandang hinaharap
Kahulugan: kahit nagsimula ka sa wala, kapag ikaw ay meron pinag-aralan, malaki ang pagkakataon na makaangat sa kahirapan.
Ang batang busog sa pangaral
Ay lalaking marangal
Malayo sa pagiging hangal
Dala ay mgandang asal
Kahulugan: kapag ang bata ay laging may gabay ng magulang habang lumalaki, tatanda itong mabuting tao.
Para sa magandang kinabukasan
Kamangmangan ay wakasan
Pag-aaral ay gawing sandata
Lalo na kayong mga bata
Kahulugan: seryosohin ang pag-aaral dahil ito ang magbibigay ng magandang kinabukasan
Ang ating abakada
Ating natatanging sonata
Para sa mga bata
Pati na sa mga nakatatanda
Kahulugan: natatangi ang mga pinoy. Huwag ikahiya ang sariling wika.
Walang bilang ng edad ang pag-aaral
Ang edukasyon ay walang katapusang paglalakbay
Para sa masagana at magandang kinabukasan
Kahulugan: walang pinipiling edad ang edukasyon.
Sa aking paaralan
Aking natutunan
Magbasa at sumulat
Pati mata ay namulat
Kahulugan: tungkulin ng mga paaralan na ihanda ang mga bata sa reyalidad ng mundo.
Walang mataas at malayo
Sa mga taong mayroong prinsipiyo
Kahulugan: kapag ang tao ay merong paniniwala, lahat ng bagay ay kaya niyang maabot.
Aral ay gawing tulay
Tungo sa magandang buhay
Kahulugan: ang mga batang nagaaral ng mabuti ay magkakaroon ng magandang kinabukasan.
Aanhin mo ang ganda ng mukha
At katawan na kaakit-akit
Pag ang utak ay wala
Pati ang iyong bibig ay walang maibuga
Kahulugan: Hello, kamusta ka? Ako nga pala ang gumawa ng website na ito, gusto ko lang sabihin sa’yo na hindi lahat ng bagay nasusukat sa yaman at ganda, tandaa mo ito, hindi dahil maitim, pandak, pango o bakla ka ay pangit ka na at wala ka ng karapatan maging masaya, yun lang ang sinasabi nila sa TV, wag mo silang paniwalaan. May karapatan ka maging masaya at may lugar ka sa ating mundo. Lahat ng tao ay may karapatan maging masaya. Kailangan mo lang maging mabuting tao. At maging edukado. Tandaan mo, ang ganda ay lumilipas. Wag na wag mong hayaan na maliitin ka nila. Naniniwala ako sa’yo. Kahit hindi tayo magkakilala, naniniwala ako sa’yo, kahit na hindi naniniwala ang guro o magulang mo sa’yo, ako, naniniwala ako sa’yo. Naniniwala ako na magiging malaki ang kontribusyon mo sa Pilipinas. Wag mong sayangin ang kinabukasan mo, mag-aral ka ng mabuti. Lagi mong tatandaan, ang Leon ay hindi nagpapaapekto sa opinyon ng mga tupa.
Salawikain Tungkol sa Pag-ibig
Oh pag-ibig na makapangyarihan
Pag pumasok sa puso ninuman
Hahamakin ang lahat
Masunod ka lamang
Kahulugan: hindi mo kayang piliin kung sino ang mamahalin mo, kapag mahal mo, mahal mo.
Huwag kang patatalo sa iyong panibugho
Mundo mo ay guguho at magkakagulo-gulo
Kahulugan: natural lang ang pagseselos sa isang relasyon, ngunit wag mong hayaan na ikasira ito ng inyong pagmamahalan.
Kapag ang pag-ibig ang namayani
Ang lahat ay magbubunyi
Kahulugan: importanteng magmahalan ang mga tao.
Ang totoong nagmamahal
Harangan man ng sampung kawal
Ay hinding-hindi mabubuwal
Kahulugan: walang makakapigil sa dalawang taong nagmamahalan.
Ang lalaking puro sablay
Ay hindi magandang kasama habang buhay
Kahulugan: hindi magandang karelasyon ang lalaking hindi mapagkakatiwalaan.
Huli man raw at hindi magaling
Ay nakakahabol rin
Kahulugan: kapag nagsikap ang tao, balang araw makakaraos din.
Sa aking pag-idlip
Mukha mo ang aking panaginip
Sa tuwing ako ay nagigising
Ikaw pa rin ang nasa isip
Kahulugan: sa sobrang mahal mo ang isang tao, siya ang nagpapatulog sa’yo at siya din ang rason mo na gumsing.
Sa haba man ng tinahak na tadhana
Ang hulihan pa rin ay dambana
Kahulugan: ipaglaban ang taong minamahal hanggang sa dulo.
Ang lalaking mapagkunwari
Ay lagging may atubili
Kaya ikaw ay mamili
Mag-isip ka ng mabuti
Kahulugan: huwag magmahal ng taong hindi sigurado sa’yo.
Ang pag-ibig ay bulag
Dahil hindi mata ang basehan ng pag-ibig
Kahulugan: minsan mahirap bigyan ng rason ang pag-ibig, basta nalang itong dumadapo at hindi ka na nito tatantanan
Salawikain Tungkol sa Wika
Ang hindi magmahal sa sariling wika
Ay higit pa ang amoy sa malansang isda
Kahulugan: wag mong pilitin maging iba, malaking karangalan ang isang pagiging Pilipino.
Wika ko mamahalin ko
Pagyayamanin ko at ipagmamalaki ko
Kahulugan: ikalat sa mundo ang pagiging isang Pilipino, huwag ito ikahihiya dahil sa bilyon-bilyon na tao sa mundo, ang mga Pilipino ay walang kapareho.
Saan ka man mapunta
Wika ay gawing sandata
Sa pananalita man at pakikipagkapwa
Kahulugan: importante ang wika, kaya nito magsimula at magpatigil ng digmaan.
Aanhin ko pa ang wikang banyaga
Kung ako ay may sarili ng wika
Para sa akin ito ay sapat na
Kahulugan: importante ang wikang pilipino.
Wikang aking gamit
Ang lagi ko ng sinasambit
Hindi kita ipagpapalit
O kahit man lang iwawaglit
Kahulugan: kahit na mapunta pa sa iba’t ibang bahagi ng mundo, hindi padin kakalimutan ang pagiging Pilipino.
Wikang pambansa
Alay sa mga masa
Lagi nating isapuso
At huwag ipapalit sa salitang nauuso
Kahulugan: huwag ikahiya ang sariling wika.
Ang wika ay dakilang regalo
Mula sa ating mga ninuno
Bigyang halaga ito
Para ito ay hindi maglaho
Kahulugan: daang-taon ang kasaysayan ng ating wika, mula sa mga sinaunang Pilipino noon, hanggang ngayon sinalin-salin na ito sa bawat henerasyon. Protektahan ito para maipamana pa sa mga susunod na henerasyon.
Ilang salinlahi man ang dumating
Wika natin ay paigtingin
Atin itong gamitin
At pagkamahalin
Kahulugan: kahit na uso na ngayon ang paghaluin ang wika, wag padin kakalimutan ang wikang Pilipino.
Pairalin ang pagkabayani
Sariling wika ay ating ipagbunyi
Wika na ating kaagapay
Sa ating pang araw-araw na buhay
Kahulugan: gamitin palagi ang ating wika.
Namutawi mula sa labi
Ang wika nating sarili
Ating laging kandili
Saan man tayo magawi
Salawikain Tungkol sa Pamilya
Ang pamilyang kumakakain at nagdarasal ng sabay-sabay
Ay nagsasama at nabubuhay ng matiwasay
Kahulugan: ang pamilya na dikit at rinerespeto ang isa’t-isa, habang tumatagal ay lalong tumitibay ang pagsasamahan.
Ang pag-iisang dibdib ay hindi parang kanin
Na puwede pang iluwa kapag ito ay mainit
Kahulugan: hindi biro ang kasal, kaya dapat magpakasal lamang sa taong iyong mahal at gustong makasama habang buhay.
Ang pamilyang nagkakaisa
Ay palaging masaya
Habang ang pamilyang may gusot
Ay lagi na lang malungkot
Kahulugan: kailangan matuto ang bawat miyembro ng pamilya na pakinggan ang sinasabi ng bawat isa sa pamilya, ang mga bata, dapat matutong rumespeto at sumunod sa mga payo ng magulang. At ang mga magulang, dapat maunawaan nila na kahit na matanda na sila ay pwede padin silang magkamali. Kung gusto mong pakinggan ka ng iyong kausap, dapat matuto ka din makinig sakanya, bata man o matanda.
Sa mga magulang, maging mabuti sanang halimbawa
Para sa mata ng mga bata
Maging mabuting ehemplo
At magsilbing mga modelo
Kahulugan: sa mata ng mga bata, bayani ang kanilang mga magulang, natural lang na gagayahin nila ang mga kilos at salita ng kanilang mga magulang. Tungkulin ng mga magulang na maging mabuting tao para lumaki ang kanilang mga anak na mabubuting tao.
Gawing gabay sa buhay
Ang aral ni nanay
Kanyang payo at mga turo
Nawa ay hindi maglalaho
Kahulugan: kahit na ang bata ay balang-araw tumanda na, huwag kakalimutan ang mga payo ng magulang.
Ang batang masunurin
At may mataas na mithiin
Sana ang iyong hangarin
Ay makamtan mo rin
Kahulugan: lahat ng pangarap ay kayang matupad, kailangan lang ng magsikap.
Sa mga ama na masipag
Masagana at puno lagi ang lapag
Kahulugan: ang mga tatay na handang pagpawisan sa kakakayod ng pera, bibiyayaan din sila ng mabuting buhay.
Ang ate ko na maganda
Sa biyaya ay sagana
Bukod siyang pinagpapala
Sa pagiging mapagparaya
Sa pagkain man o sa pera
Kahulugan: kung ano ang binibigay mo ay tatanggapin mo din ng ilang beses pa.
Walang kapantay ang saya ng buhay
Sa pamilya na buo
Ligaya ang tunay na taglay
Kahulugan: ang pamilyang hindi naghihiwalay ay mas tumitibay.
Pangkalahatang Salawikain
Nang ako ay gumagawa ng tama
Walang nakakaalala
Ngunit ang minsan kong pagkakamali
Ay hindi na nakalimutan
Kahulugan: kadalasan, ang nakikita lang mga tao ay ang iyong pagkakamali.
Ang bakal ay nasisira ng sarili nitong kalawang
Kahulugan: kapag ang tao ay mahilig magkimkim ng galit, kapag tumagal, siya din lamang ang mapipinsala nito.
Ang batang masipag
Pag tumanda pagod
Sabihin mo kung sino ang mga kaibigan mo
At sasabihin ko ang iyong pagkatao
Kahulugan: nakikilala ang isang tao sa mga pinipili niyang mga kaibiganin
Linisin mo muna ang bakuran
Bago mo pansinin ang dumi ng kapwa mo
Kahulugan: huwag magsalita ng masama sa kapwa, dahil lahat ng tao ay hindi perpekto at lahat ay pwedeng magkamali.
Ang oras ay ginto.
Kahulugan: huwag magsayang ng oras dahil hindi na ito maibabalik pa.
Huwag mong gawin sa iba
Ang mga bagay na ayaw mong gawin sa iyo
Kahulugan: kapag mabuti ka sa iyong kapwa, magiging mabuti din sila sa iyo.
Ang pagmamahal ay sinusuklian rin ng pagmamahal.
Sa mata ng Diyos tayo ay pantay pantay.
Namula sa alikabok, matatapos din sa pagiging alikabok
Kahulugan: lahat ng tao ay pinapanganak at namamatay din.
Ang unggoy balutin man ng ginto
Hayop at unggoy pa rin ang asal nito.
Kahulugan: hindi nasusukat ng yaman ang pagiging mabuting tao.
Ang hindi makuha sa santong dasalan
Ay daanin na lang sa santong paspasan