Ang buhay ay nasusukat
sa dami ng iyong karanasan
Kahulugan: Huwag matakot makipagsapalaran at makita ang mundo, dahil dito lumalawak ang ating pananaw sa buhay.
Ang latang walang
laman ay maingay.
Kahulugan: Kung sino pa ang mga walang alam, sila pa ang putak ng putak.
Ang tao ay nakikilala
sa mga kaibigan nya
Kahulugan: Pinalilibutan ng tao ang sarili nya ng mga taong katulad nya ang ugali.
Pagkatapos ng bagyo
ay sisikat din ang araw
Kahulugan: Lahat ng problema ay mayroong katapusan.
Lahat ng bagay na kumikintab ay hindi ginto
Kahulugan: Maging maingat at huwag madaling maniwala sa mga pangako at sabi-sabi.
[fblike]
Mabilis kumalat
ang masamang balita
Kahulugan: Gustong-gusto ng mga tao pagusapan ang mga sakuna ng mga ibang tao.
Matutong magbilang
ng mga biyaya
Kahulugan: Matutong makuntento at masaya sa kinatatayuan sa buhay.
Kahit uod nabubulok
Kahulugan: Mahirap man o mayaman, lahat ng tao ay pare-pareho. Lahat ng tao pinapangak at namamatay.
Ang tahimik na ilog,
kadalasan ay malalim
Kahulugan: Kadalasan, ang mga taong tahimik at tipid magsalita, sila yung mga malalalim at seryoso sa buhay.
Walang malaki na nakakapuwing
Kahulugan: Kahit na hindi ka perpekto at maraming pagkukulang, meron ka padin natatanging talento na wala ang ibang tao. Gamitin mo ito.
Nasa Diyos ang awa,
nasa tao ang gawa
Kahulugan: Tama ang gawaing pagdadasal at pananampalataya sa Diyos, ngunit dapat din kumilos para matupad ang pangarap. Hindi malalaglag ang biyaya sa harapan mo, kailangan ito pagpaguran.
Kapag may isinuksok
mayroong madudukot
Kahulugan: Matutong mag-ipon ng pera para sa mga panahon ng kagipitan.
Kapag maikli ang kumot,
matuto kang mamaluktot
Kahulugan: Matutong umangkop sa lahat ng hamon ng buhay.
Matalino man ang matsing,
napaglalamangan rin
Kahulugan: Lahat ng bagay pwedeng diskartehan.
Itaga mo sa bato
Kahulugan: Isang pangako na tutuparin
Karagdagang babasahin: Mga Salawikain
Ang taong naniniwala sa
sabi-sabi ay walang tiwala sa sarili
Kahulugan: Ang taong madaling madala sa kwento o chismis ay mahina ang loob.
Kalabaw lang ang tumatanda
Kahulugan: Mahirap ang buhay.
Kapag may tiyaga,
mayroong nilaga
Kahulugan: Kapag handa ka magpagod para sa iyong pangarap, darating ang araw at makakamit mo din ito.
Kung ano ang itinanim
ay siya rin ang aanihin
Kahulugan: Depende sa kalidad ng gawain mo ang kakalabasan ng ginagawa mo.
Pera na naging bato pa
Kahulugan: Kapag pumalpak ang isang bagay.
Lahat ng sobra ay lason.
Kahulugan: Matutong magtimpi sa mga bisyo
Ang taong gipit kahit
sa patalim ay kakapit
Kahulugan: Kapag walang-wala na talaga ang tao, kahit sa krimen mapipilitan silang lumahok.
Bigayn mo ng isda ang tao,
kakain ito ng maghapon,
ngunit kapag ito ay
tinuruan mong mangisda,
habang buhay itong may pagkain.
Kahulugan: Imbes na bigyan mo ng pagkain o pera ang tao, mas mabuti pang turuan mo nalang ito kung paano makatayo sa sarili nilang paa.
Binigay na ang kanan
gusto pang hingin ang kaliwa
Kahulugan: Mga taong makakapal ang mukha.
Halik ni Judas
Kahulugan: Mga taong traydor.
Huwag bilangin ang sisiw,
hanggat hindi pa napipisa ang mga itlog
Kahulugan: Huwag umasa sa mga bagay na wala pa sa iyong harapan, dahil maraming pwede manyari.
Huwag kang manghusga
para hindi ka rin husgaan
Kahulugan: Huwag maging chismosa.
Huwag kang magtago ng
kayamanan sa iisang sisidlan
Kahulugan: Huwag umasa sa isang bagay lamang.
Ang hindi pinaghirapan
ay madaling mawala.
Kahulugan: Para ito sa mga mahilig magsugal, kadalasan, kahit manalo sila ng malaking salapi, isinusugal lang din nila ulit ito dahil hindi naman nila ito pinaghirapan makuha.
Kung gaano kabilis dumatimg
ay siya ring bilis ng alis.
Kahulugan: Maigsi lang ang buhay.
Huwag kang maglaro ng apoy,
baka ikaw ay masunog.
Kahulugan: Maging maingat sa mga bagay na ginagawa.
Mas kaibiganin mo
ang iyong kaaway.
Kahulugan: Matutong alisin sa puso ang galit. Wag mo sabayan ang galit nila. Mas angatan mo pa sila.
Kapag may usok may apoy.
Pataasan ng ihi
Kahulugan: Payabangan.
May taynga ang lupa,
may pakpak ang balita.
Kahulugan: Mabilis kumalat ang chismis kahit hindi totoo.
Mahirap gisingin
ang taong gising.
Tayngang kawali.
Kahulugan: Malakas ang pandinig
Apoy laban sa apoy
Kahulugan: Patas na laban.
Matagal mamatay ang
masasamang damo.
Kahulugan: Kung sino pa ang mga masasama, sila pa ang matagal mamatay.
Nasa huli ang pagsisisi.
Kahulugan: Sa una, hindi mo pa mararamadaman ang ikabubunga ng mga gagawin mo, ngunit kapag napa-trouble ka na, saka ka magsisisi.
Ang magnanakaw ay galit
sa kapwa magnanakaw.
Ang umaayaw ay hindi nagwawagi,
ang mga nagwawagi ay hindi umaayaw.
Kahulugan: Huwag sumuko sa kahit anong pagsubok.
Walang utang ang
hindi pinagbabayaran.
Kahulugan: Kapag may ginawa kang masama, darating ang araw na babalik din ito sayo.
Mahirap pa sa daga
Kahulugan: Baon sa kahirapan.
Kayod kalabaw
Kahulugan: Mahirap na trabaho
Libre ang mangarap
hanggang sa alapaap.
Kahulugan: Walang limitasyon ang panaginip, ngunit ito ay panaginip lamang.
Mapait ang ugat,
pero ang bunga ay masarap.
Kahulugan: Magsumikap para maabot ang pinapangarap.
May daga sa dibdib
Kahulugan: Kinakabahan.
Suntok sa buwan
Kahulugan: Nagbabakasakali.
Ang taong nasusugatan
ay lalong tumatapang
Sa bawat kapangyarihan,
Kaakibat ay pananagutan
Ang taong mapagparaya
ay lagging pinagpapala
Kahulugan: Mga taong mapagbigay at hindi nanlalamang sa kapwa ay sineswerte.
Biruin mo na ang lasing.
Huwag lang ang bagong gising
Huwag kang magtayo ng pader,
sa halip ay gumawa ka ng tulay.
Kahulugan: Matutong tumulong sa mga mahihirap.
Dadaan ka sa butas ng karayom
Kahulugan: Mahirap na pagsusubok.
Ang isda ay nabibingwit
sa sarili nitong bunganga
Kahulugan: Matutong magisip bago magsalita.
Hindi natutulog
ang hustisiya.
Kahulugan: Ang batas ay pantay para sa lahat.
Mayroong pera sa basura
Kahulugan: Huwag mag-aksaya ng mga bagay.
Huwag kang manghusga
sa panlabas na kaanyuan.
Kahulugan: Kilalalin muna ang isang tao para malaman ang tunay nitong ugali.
May gantimpala sa taong
matiyagang naghihintay
Kahulugan: Hindi maganda ang palaging nagmamadali.
Kapag wala ang pusa
naglalaro ang mga daga
Kahulugan: Mga batang sutil
Bantay salakay.
Kahulugan: Naghihintay ng kahinaan bago umatake.
Mayroong busal ang mga bibig,
mayroong tali ang mga kamay.
Huwag kang kukuha ng bato
para pamukpok lang sa ulo mo.
Kahulugan: Maging maingat sa mga ginagawang desisyon sa buhay.
Mayroong himala sa
taong nanampalataya.
Kahulugan: Sineswerte ang mga taong makadiyos.
Ang kalahating kasinungalingan at
kalahating katotohanan ay
buo pa rin na kasalanan.
Kahulugan: Ang pagsisinungaling ay masama, kahit na ano pa ang iyong rason para gawin ito.
Lahat ng kasarapan lahat ng
kasamaan, ito ay may hangganan.
Kahulugan: Walang bagay na panghabang-buhay
Ang palay ay para sa tao,
ang damo ay para sa kabayo.
Kahulugan: Matutong lumugar.
Ipukol ang bato sa taong manloloko
Ipukol ang tinapay sa taong mapagbigay
Kahulugan: Ang mga mababait na tao ay sineswerte.
Makuha ka sa tingin.
Hampas sa kalabaw
Sa kabayo ang latay
Kahulugan: Ang mga taong nasa ibaba ang palaging naghihirap habang ang mga mayayaman ay pasarap lamang sa buhay.
Halang ang bituka
Kahulugan: Masamang tao.
Sa mga nagkasala huwag kayong
mag-alala, dahil may nakaabang
sa inyo na parusa
Kahulugan: Walang masmaang tao na hindi nahuhuli.
Tularan ang magandang gawa,
iwaksi ang mga masasama
Kahulugan: Huwag gumawa ng krimen.
Huwag kang tumunganga
dahil walang himala.
Kahulugan: Kung gusto mong matupad ang iyong pangarap, pagtrabahuan mo ito.