≡ Menu

Salawikain Tungkol Sa Edukasyon

mga salawikain tungkol sa edukasyon at 10 na halimbawa nitoWalang ibang gamot ang kamangmangan kung hindi ang katalinuhan.
Kahulugan: hindi masama maging walang alam. Basta bukas ang iyong isip matuto ng mga bagay na hindi mo pa nalalaman.

Ang grado ay hindi basehan ng talino. Ang mahalaga ay ang naiwan sa ulo.
Kahulugan: hindi lang basa ng basa, dapat kapag mag-aaral ka, intindihin mo ito hindi lang sa utak kundi pati sa iyong puso. Kapag ginawa mo ito, ang pinag-aralan mo ay mananatili sayo habang buhay.





Ang katalinuhan ay kayamanan.
Kahulugan: lahat ng bagay pwede mawala sa iyo, pero ang edukasyon kahit kailan walang makakanakaw nito sayo.

Isapuso yaring turo ng inyong mga guro. Pag tumanda ay ipasa ang aral na natamasa.
Kahulugan: tungkulin natin ipasa sa bagong henerasyon ang ating mga nalalaman.

Ang ugat ng karunungan ay mapait, subalit ang bunga ay matamis
Kahulugan: Sa una, kapag nagsimula ka sa wala, mahirap matuto. Ngunit kapag nagsumikap ka, balang-araw mapapakinabangan mo ito

Dunong ang tanging yaman na kailanman ay hinding-hindi mananakaw o maaagaw.
Kahulugan:
[fblike]
Ang batang walang pinag-aralan, animo’y ibon na di makakalipad.
Kahulugan: mahihirapan ka na matupad ang iyong mga pangarap kapag wala kang edukasyon.

Ang aral ay buhay.
Kahulugan: lahat ng teknolohiya na ginagamit natin ngayon ay dahil sa merong tao na pinag-aralan ito.

Ang nag-aral na parang walang pinag-aralan ay isang halimbawa ng isang kahangalan.
Kahulugan: hindi dahil nakapagtapos ka sa mataas na paaralan ay may karapatan ka na maging mayabang sa mga ibang tao lalo na sa walang pinag-aralan. Lahat ng tao ay pantay-pantay.




Ang edukasyon ang solusyon sa mga taong walang ambisyon.
Kahulugan: dahil sa pag-aaral ay natutuklasan ng mga tao kung ano ang kanilang gustong gawin sa buhay.

Mag-aral ng maigi upang buhay ay mapabuti.
Kahulugan: kahit mahirap ka, kapag nag-aral ka, meron ka padin pag-asang makaangat sa buhay.

Karagdagang babasahin: Mga Salawikain

Maliliit man na butil ng mga kaalaman ang dulo nito ay malaking kaginhawaan.
Kahulugan: minsan, yung mga bagay na hindi mo inakala na importante ay yun pa ang magliligtas sayo.

Ang oras ay ginto sa mga taong matatalino.
Kahulugan: ang oras ay hindi na nababalik. Kaya huwag itong sayangin.

Huwag paaalipin sa hirap at kamangmangan. Pag-aaral ay igapang upang ito ay mawakasan.

mga kahulugan ng salawikain tungkol sa edukasyonHirap ay magagapi, kung tayo ay magpupunyagi.

Iba ang may natapos, dahil pang-unawa ay hindi kapos.
Kahulugan: kapag meron kang pinag-aralan, mas malawak ang iyong kaisipan.

Ang pagkakaroon ng anak na matalino ay higit pa sa monumento na gawa sa ginto.
Kahulugan: para sa magulang, ang anak na masunurin at mahilig mag-aral ang isa sa mga pinakamatamis na bagay sa mundo.

Habang buhay kong karangalan ang aking pinag-aralan.
Kahulugan: ipagmalaki ang iyong pribilehiyo para makapag-aral dahil hind lahat ng tao sa mundo ay swerte katulad mo.

Malawak ang pang-unawa ng taong edukado.





Aral ay gawing tulay tungo sa matiwasay na buhay.
Kahulugan: walang ibang makapagbibigay sayo ng magandang kinabukasan kundi ang edukasyon.

Gamitin ang pinag-aralan sa mabuting paraan at huwag hahaluan ng ano mang ksamaan.
Kahulugan: minsan, ang mga taong may pinag-aralan kapag ginamit nila ito sa masama, sila ang mga pinakamapanganib na tao. Huwag gamitin ang edukasyon sa masama. Gamitin mo ito sa tama. Napakarami ng masasamang tao sa mundo, huwag natin ito dagdagan pa.

mga salawikain tungkol sa edukasyon na tagalogAng taong matalino ay malayong naloloko, ang taong mangmang ay malapit sa kapahamakan.
Kahulugan: mas madaling utuin ang hindi nakapag-aral.

Mahirap intindihin ang taong hindi nakakaintindi.
Kahulugan: kanilang sarili lang ang kanilang pinaniniwalaan. Ganyan ang mga taong sarado ang isip.

Ang maliit na kaalaman ay nagdudulot ng kalituhan.

Gawing pangalawang bahay ang eskwela at doon ikaw ay may mapapala.
Kahulugan: seryosohin ang pag-aaral.

Kaisipan ay linangin at laging pagyamanin.
Kahulugan: kahit na tapos ka na sa eskwelahan, dapat hindi tuloy-tuloy padin ang iyong pag-aaral ng mga iba’t ibang bagay.

Mahirap magmarunong ang taong walang dunong.

Mahirap ang daan tungo sa katalinuhan, ngunit mas mahirap ang daan ng habang buhay na mangmang.

Aral ang sandata para sa mga bata.

Ang taong walang pinag-aralan ang sadlak ay kahirapan.

Sa dulo ng paglalakbay ng aral na walang humpay, buhay na matiwasay ay kanya namang alay.