≡ Menu

Salawikain Tungkol Sa Pag-ibig

mga salawikain tungkol sa pag-ibig at 10 na halimbawa nitoAng pag-ibig hindi hinahanap, kusang dumarating yan sa tamang panahon. Hindi mo kailangan mangamba kung hindi mo pa siya nahahanap. Minsan kung kelan hindi mo inaasahan, saka ito magpapakita. At kapag nakita mo na. Alam mo na kagad sa sarili mo yun.

Ang mga mata ay bulag at ang mga tenga ay bingi kapag puso ang naghahari sa bawat tao sa daigdig. Pantay-pantay tayong lahat. Lahat tayo ay may karapatang umibig at ibigin.





Sa buhay mag-asawa, matutong sumayaw sa anumang uri ng sonata, parehong kaliwa man o kanan ang iyong mga paa. Hindi pwede na isang tao lang palagi ang nasusunod. Ang malusog na relasyon ay namimigay bago kumukuha.

Ang pag-ibig ay ubod na makapangyarihan. Kapag ito ay pumasok sa puso ng kahit sinuman, gagawin nito ang lahat, makamtan lamang ang hinahangad. kapag nahulog ang loob mo sa isang tao, handa kang ibigay lahat upang mapasaya siya. Matututong mag-sumikap upang mabigyan ng magandang buhay ang minamahal mo.

Walang mali at walang pangit. Ganyan kung mabulag ang mga taong umiibig. Wala pinipili ang pag-ibig. Kapag meron, meron.

Matutong mahalin ang sarili, bago mag-mahal ng iba. Kahit kailan ay hindi ka makakapagmahal ng ibang tao ng bukas-loob hangga’t hindi mo minamahal ang iyong sarili kasama na dito ang mga nakaraan at mga pagkakamali. Walang perpektong tao. Pero ang kagandahan sa pagkakamali, kapag mas pinili mo na pag-aralan, at matuto, makakatulong ito sayo upang mas maging isang ganap na tao. Kapag mahal mo ang sarili mo, saka ka matututo magmahal ng ibang tao.

Hindi lahat ng tunay na pagmamahal ay nasusuklian din ng wagas pagmamahal. Hindi dahil ibinigay mo ang buong puso mo sa iisang tao ay obligado na silang suklain ng kanilang pagmamahal. May mga puso lang talaga na hindi nag-tatagpo sa gitna. Parte ito ng buhay.




Ang paglagay sa tahimik ay huwag na huwag gawing isang laro. Hindi ito tulad ng patintero na kapag ayaw mo na ay pwede ka nang sumuko. Dapat pinag-uusapan ang mga problema ng magkarelasyon.

Walang pihikang babae sa matiyagang lalaki. Sa mga lalaki, huwag kagad sumuko dahil iisa lamang itong pagsubok upang masukat ng babae ang iyong dedikasyon. Dahil marami diyan na sa umpisa lamang mabait.

Ang mabilisang pag-ibig ay madali ring magwawakas. Huwag masyadong magpabitag sa tamis ng bagong pag-ibig, bukod sa pag-gamit ng puso, dapat din gamitin ang utak bago pa pumasok sa isang relasyon.

Karagdagang babasahin: Mga Salawikain


Milya-milya man ang haba ng prusisyon, sa simbahan din ito magtatapos. Mayroong forever ❤️️

mga kahulugan ng salawikain tungkol sa pag-ibig ipaliwanag tagalogAng pag-ibig na hinog sa pilit, kadalsan ang namumunga ng mapait. Hindi mo kailangan pilitin ang isang tao. Matutong respetohin ang desisyon ng iba, bago mag-hangad na respetohin din ang iyong desisyon.

Kahit kalian ay wala kang matatagpuang perpektong pag-ibig. Ang tunay na pag-ibig ay hindi tulad ng napapanood sa sine na mahigit kumulang na dalawang oras lang. 24/7 ang pag-ibig. Hindi maiiwasan na minsan ay merong alitan. Kasama ito sa relasyon. Ito ay natural. Ang importante ay mapagusapan ng mabuti upang ma-resolba ang problema.

Sa puso lamang ng isang ina makikita ang pinakadalisay na pagsinta. Ibang klase mag-mahal ang isang nanay, binuhat ka niya ng 9 na buwan, hele ka niya ng habang-buhay.

Sa pag-aasawa walang tinatawag na pangalawang glorya. Huwag mangaliwa. Ito ay isang violation ng inyong pagsasama. Hindi mo kailangan saktan ang iyong ka-relasyon kung ayaw mo na. Magkaroon ng lakas ng loob ipaalam ito sa iyong kabiyak. Karapatan nilang malaman ito. Walang tao na may gustong maloko. Maging tapat sa ating kasintahan.





Ang pinakamatibay na haligi ng pag-iibigan ay ang pag-uumpisa sa pagiging matalik na magkaibigan. Kailangan ng oras. Huwag mag-madali, nasa maliliit na bagay ang saya na mararamdaman mo mula sa pag-ibig. Bigyan ng sapat na oras na magkakilala ng lubusan bago magdesisyon.

Sa larangan ng pagmamahalan, lahat ay pantay-pantay. Hindi importante ang katayuan sa buhay pag-dating sa tunay na pag-ibig.

Tunay at totoo ang nagmamahal na hindi tumitingin sa kapintasan ng bawat isa. Kapag mahal mo, kahit hindi pa maligo yan, mabango padin sa ilong mo.

Walang malayo o malapit sa mga taong umiibig. Hindi hadlang ang distansya sa mga tunay na nag-iibigan. Gagawa’t gagawa ng paraan ang tao para makausap ang kanyang mahal.

mag-bigay ng halimbawa ng salawikain tungkol sa pag-ibig pati ang kasabihan nitoAng pag-ibig ay parang isang ibon, paliparin ito at palayain. Kapag ito ay kusang bumalik, ito ay para sa iyo. Hindi mo dapat pilitin ang isang tao. Ang pag-ibig ay dapat natural sa pakiramdam.

Ang mundo na walang pag-ibig ay punong-puno ng ligalig.

Mahalin mo ng lubos at ito ay huhulagpos. Mahalin mo ng tama at ito kaaya-aya.

Ang pag-ibig na bawal ay nababagay lamang sa mga taong hangal. Hindi pag-ibig ang tawag dito kapag mayroong ibang taong niloloko.

Tulad ng isang alak, ang pag-ibig ay lalong tumatamis habang ito ay tumatagal. Sa tagal ng pag-sasama, mas nababasa na ng isa’t-isa ang kanya-kanyang timpla.